Tuesday, July 14, 2015

Episode 6: Larawan

Present Time

"Ay ang saya naman, nakakakilig pala ang istorya niyo." -Cheryl

"Noon yun! Wala na ngayon. Isa pa uwi na tayo, kanina pa tayong nandito eh wala na tayong kinakain." -Jha

"Kung gusto mo di mag-order pa tayo para magkwento ka pa?" -Cheryl

"Sira! Tara na!" -Jha

Umalis na silang dalawa sa hawker center na pinagkainan nila. Nagtungo na sila sa MRT station para mapabilis ang biyahe nila pauwi.

Habang naglalakad ay napatingin siya sa isang lalaking hawig na hawig kay Alvin. Sinundan niya ito hanggang sa paakyat ng hagdan. Alam niyang si Alvin ito dahil sa hawig na hawig niya ang katawan at nakapostura. Walang suot na shades pero nakasuot ng spectacles.

May kasama siyang babae, napakaganda ng kasama niya at parang isang model ng cosmetics.

Patuloy niyang hinabol ito ngunit hindi na niya naabot dahil bigla silang nawala.

Halos hinihingal naman si Cheryl na humabol kay Jha.

"Wait friend, ano ba kasi yun?" -Cheryl (hinihingal)

"Hah!? Eh nakita ko kasi yung kapitbahay namin sa Pinas, gusto ko sanang kausapin eh bigla namang nawala." -Jha

"Sigurado ka ba? Eh halos para ka ngang NBI kung makasunod kanina eh! Hindi kaya si Alvin yun? Hahaha!" -Cheryl (parang nang-aasar)

"Tara na nga! Uwi na lang tayo!" -Jha

Hindi makapaniwala si Jha sa kanyang nakita pero hindi din naman siya sigurado kung sino nga talaga ang kanyang nakita kayat umuwi na lang sila ni Cheryl.

Habang naglalakad sila patungo na sa kanilang tirahan ay tinanong ni Cheryl si Jha.

"Jha, si Alvin ba yung nakita mo kanina dun sa MRT station?" -Cheryl

"Hah!? Hindi ah! Diba sinabi ko na sayo na kapitbahay namin yung nakita ko kanina!?" -Jha

"Pero kung makahabol ka kasi eh parang someone you used to know." -Cheryl

"Hindi nga!" -Jha

Huminto si Cheryl sa paglalakad.

"Oh bakit huminto ka?" -Jha

"Sabihin mo na kasi yung totoo friend." -Cheryl

"Oo na! Pero hindi ako sigurado kung siya nga talaga yung nakita ko. Masaya ka na?" -Jha

"Sorry naman friend.  Diko naman alam na ganyan ang magiging reaction mo sa pangungulit ko. Pero hindi ka naman sigurado kung siya diba?" -Cheryl

Hindi na umimik si Jha at nakarating na sila sa kanilang tinutuluyang flat.

Pagdating nila ay agad na nagtungomsi Jha sa kanyang kuwarto. Sinundan naman siya ni Cheryl.

"Friend, okay ka lang ba?" -Cheryl

Hindi sumagot si Jha.

"Ano ba kasi ang itsura ng Alvin na yan para kung makita ko makausap ko." -Cheryl

Inilabas ni Jha ang isang folder na punong-puno ng ala-ala at inilabas ang mga larawan nila ni Alvin. Ipinakita din ni Jha yung larawan kay Cheryl.

Nagulat naman si Cheryl sa kanyang nakita dahil ang Alvin na binabanggit ni Jha ay isa sa mga kaibigan ng kanyang boyfriend na si Arman.

Inilihim ni Cheryl kay Jha na nakita na niya ang lalaking nasa larawan na kasintahan dati ni Jha.

"Friend, guwapo nga siya at medyo badboy ang image. Hayaan mo friend kung makita ko siya o makasalubong tatanungin siya kung anong merun sa inyong dalawa." -Cheryl

"Salamat Cheryl pero hayaan mo na. Tanggap ko ng wala na kami." -Jha

"Pero ayaw mo man lang ba na makausap siya kung sakali?" -Cheryl

"Para saan pa? Sa pagkawala niya? Hayaan na natin friend kung saan na siya masaya." -Jha

"Ay! Ang bilis naman ng pagbago ng ihip ng hangin sayo. Huwag kang mag-alala, kung makita ko tong lalaking to, kakausapin ko siya para sayo at hindi mo ako mapipigil dun." Cheryl (sabay tawa)

...itutuloy.




Sunday, July 5, 2015

Episode 5: That Guy Part 2

Present Time

Patuloy ang kwentuhan nina Cheryl at Jha sa hawker center tungkol sa nakaraan ni Jha kay Alvin.

"So pagkatapos nun, friend na kayo agad-agad? As in?" -Cheryl

"Yun din ang akala ko noon, pero hindi pa pala! Simula pa lang ng mga biro niya sa akin." -Jha

5 Years Before

Habang nagpapatuyo si Alvin at chinacharge ang kanyang phone sa apartment nila Jha, hindi pa rin maalis ni Jha ang tingin niya kay Alvin. Dahil napansin naman ni Alvin na panay ang titig sa kanya ay naghubad ito. Nanlaki nanaman ang mga mata ni Jha at napatingin siya kay Mina.

Tinanong siya ni Jha.

"Anong ginagawa mo?" -Jha

"Nagpapatuyo at di ako komportable sa damit ko dahil basang basa na talaga." -Alvin

"Baka okay na yung phone mo, tawagan mo na yung driver mo para makauwi kana." -Jha

"Pinapaalis mo na ba ako agad?" -Alvin

"Hah!? May sinabi ba akong umalis ka na?" -Jha

Sumabat naman si Alexa sa bangayan ng dalawa.

"Okay...stop it! Nagluto ako ng sopas dun, humigop ka muna ng sabaw klasmeyt para di ka magkasakit. Ikaw naman Jha, pahiramin mo ng towel si Alvin para di lalong lamigin." -Alexa

Habang pinakikinggan ni Jha si Alexa ay napatingin siya kay Alvin. Habang nakatingin kay Alvin ay kinindatan siya nito.

"Plinano mo ito ano?" -Jha

"Hah!? Nakita mo nangyari sa akin dun? Nasiraan nga ako diba? Paano ko naman iplaplano yun at sisirain ko pa mismo yung kotse ko para lang makakain ako ng sopas ni Alexa dito?" -Alvin (habang papalapit kay Jha)

Nagkalapit ang dalawa. Bigla naman siyang tinulak ni Jha sa kanyang gulat. Inawat naman silang dalawa ni Mina.

"Okay guys, tama na yan! Ready na ang sopas!" -Mina

Present time

"Tapos, anong nangyari pagkatapos niyong kumain ng sopas?" -Cheryl

"Nakauwi na siya dahil sinundo na siya ng kanilang driver." -Jha

"Wala man lang deep convo?" -Cheryl

"Wala! Ang mahirap nun, dun na nagsimula yung kalbaryo ko." -Jha

5 Years Before

Ang agang pumasok ni Jha sa kanilang school. Masaya siyang naglalakad, habang papalapit na siya sa building ng klase niya ay natamaan siya ng bola ng basketball.

"Aray!" -Jha (napatumba sa sahig)

Nilapitan siya ni Alvin at tinulungang tumayo.

"Miss Luneta, okay ka lang ba?" -Alvin

Napatingin siya ng masama kay Alvin at sinumbatan niya ito.

"May araw ka din Mr. NLEX! Nakakarating hanggang dito yung bola, marunong ka bang maglaro? Dahil kung hindi itigil mo na ang paglalaro." -Jha

"Tinatanong lang kita kung ok ka, ang dami mo nang sinabi!" -Alvin

"Bitawan mo ako!" -Jha

Galit na galit si Jha na papunta sa kanyang klase. Ang akala niya una pa lang yun sa mga biro sa kanya ni Alvin.

Kinabukasan, paglabas ng kanilang apartment ay laking gulat niya nang makita niya si Alvin na nakatayo sa harapan ng tirahan nila.

"Oh ano nanaman ang balak mo sa akin? Sasagasaan? Babatuhin ng bola?" -Jha

"Ay grabe! Nandito nga ako para makabawi sayo eh! Tara sakay ka, ihahatid na kita." -Alvin

Sa una ay ayaw pa ni Jha pero pumayag din ito dahil ayaw umalis ni Alvin sa harapan ng apartment nila.

Habang nasa loob ay tinanong ni Alvin si Jha.

"May probinsiya ka ba Jha?" -Alvin

"Hah!? Anong klaseng tanong yan? Siyempre meron naman, anong akala mo sa akin, alien?" -Jha

"Anong trabaho ng erpats at ermats mo?" -Alvin

Hindi kumibo si Jha dahil malapit na sila sa school.

"Oh bakit ayaw mo akong sagutin?" -Alvin

Pagkarating sa school ay agad na bumaba si Jha. Sa pagbaba ni Jha ay nakita niyang pinagtatawanan siya ng mga tao dahil sa nakasulat sa likuran nito. May nakakabit kasing papel at may nakasulat na "Sencya na, tanga lang!".

Tinanggal naman ito ng isa sa mga kaklase niyang si Irene.

"Iba talaga tong trip ni Alvin." -Irene

"Grrrrrr. Hindi pa tayo tapos Mr.. NLEX!!! Bakit mo ba ginagawa to sa akin?" -Jha

Ngumiti si Alvin.

"Ang cute mo kasi kapag nagagalit ka." -Alvin (sabay kindat)

Namula naman si Jha sa sinabi ni Alvin.

"Oh bakit parang namumula ka Jha? -Irene

"That guy is so weird!" -Jha (sabay turo kay Alvin)

Present Time

"Ayon eh! So kinilig ka naman sa mga sinabi niya sa iyo?" -Cheryl

"Una pa lang yun sa mga pakilig niya." -Jha

...itutuloy.

Monday, June 29, 2015

Episode 4: Frenemies

Ring-Ring!

"Hello!?" -Jha

"Hoy Jha, sensiya ka na medyo male-late ako sa kasi may dinaanan pa ako dito sa Nicoll Highway. Basta wait mo na lang ako dahil pupunta at pupunta ako." -Cheryl (nagmamadaling pinutol ang tawag)

"Hah!?" -Jha (speechless)

Naghintay pa ng ilang minuto si Jha sa isang restaurant sa Mall sa Serangoon. Mayat-maya ay lumapit ulit ang pinoy na waiter sa restaurant.

"Maam, nakapili na po ba kayo?" -waiter

"Sandali na lang kasi papunta pa lang yung friend ko dito." -Jha

"Sorry po maam ha kasi madami na pong customer na parating at we cannot afford you to sit here long na wala namang inoorder at kung meron man, may time limit na po ngayon." -waiter

Sa inis ni Jha umalis na siya sa restaurant. Habang naglalakad sa mall ay timawagan niya si Cheryl ngunit walang sumasagot. 

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita niya si Cheryl na nagmamadaling naglalakad. 

"Hay naku! Saan ka ba galing? Halos pumuti na yung mata ko sa kahihintay sayo sa resto?" -Jha

"Sorry talaga! Ganito na lang, kain na lang tayo sa hawker center treat ko." -Cheryl

Sa gutom ni Jha ay pumayag ito. Habang naglalakad papunta sa hawker ay nagtanong si Cheryl.

"Sis, sinabi mo noon na sobrang pangit ng ugali niyang si Alvin, paano naging malapit kayo sa isat-isa?" -Cheryl

"Ganito kasi yan..." -Jha

5 Years Before...

Iniwas ni Mina si Jha mula sa dalawang anak ng mga may-ari ng unibersidad dahil kung hinayaan niyang manatili pa siya doon ay baka kung ano na ang mangyari sa kanya.

"Paano siya naging anak ng may-ari ng school eh kung makapag-ugali ay parang nasa iskwater.?"-Jha

"So iskwater talaga? Sa gwapo niyang yan? Sa mga mamahaling kasuotan? Mamahaling phone? Iskwater talaga Jha?" -Mina

"Eeeeh..." -Jha

"Kalma na ok? Tara na sa canteen tutal di ka naman nakapasok sa first class mo, kain na lang muna tayo." -Mina

Nagtungo sila sa canteen at naabutan nila si Alexa na kanilang ka-roommate. Nagkamustahan sila at binanggit ni Mina kay Alexa ang tungkol kay Alvin.

"Sis, alam mo bang mainit ang ulot ni Jha sa classmate mong si Alvin?" -Mina

"Oh really? Mag-ingat ka kung siya ang makakaaway mo dahil baka pagsisihan mo lang ito for the rest of your life." -Alexa

"Bakit naman?" -Jha

"Hahaha! Joke! Mabait naman si Alvin, may pagkapilyo nga lang at mahilig lang siyang magbiro." -Alexa

"...at yung masamang biro pa ang ginawa sa akin. May araw din yang hayop na yan!" -Jha

Pagkalipas ng ilang araw.

Habang papa-uwi na si Jha ay nakita niyang basang-basa sa ulan si Alvin habang inaayos ang kanyang sasakyan. Tinitigan lang niya ito.

Mayat maya, huminto at sumuko na si Alvin sa pamkukumpuni ng kanyang sasakyan. Nagpatuloy si Jha sa kanyang paglalakad.

"Miss, miss, patulong naman po please." -Alvin

Hindi siya pinansin ni Jha at nagpatuloy ito sa paglalakad na parang walang naririnig at walang nakikitang tao. Nilapitan siya ni Alvin at hinarang.

"Miss, hindi ko alam kung bingi ka o nagbibingi-bingian."-Alvin

"Hoy!?" -Jha (nagulat)

"Kaya naman pala parang walang naririnig eh, si miss Luneta pala!" -Alvin

"Hmmp." -Jha

"Miss Luneta, kung ano man ang nagawa ko sayo please sorry na!" -Alvin

"Hah!? Hindi kita marinig!" -Jha

"Sorry na! Please, tulungan mo na ako. Makikituloy muna ako senyo at makikicharge ako ng phone ko pagkatapos magpapasundo ako sa driver namin." -Alvin

"Sa tingin mo mapapatawad kita ng ganun lang!?" -Jha

"Anong gusto mong gawin ko, luluhod pa ako!? Luma na kasi yun parang napanuod ko na kasi yun eh! Pero kung gusto mo di gagawin ko parin." -Alvin

Luluhod na sana si Alvin sa harap ni Jha nang...

"Ok na! Pinapatawad na kita! Tara sa apartment namin para makapagcharge ka na ng phone mo at makatawag ka na senyo at maka-uwi ka na!" -Jha (background music play "Ulan by rivermaya)

...itutuloy.



Thursday, June 25, 2015

Episode 3: That Guy!

Ang aga-aga sira agad ang araw ni Jha dahil sa ginawa sa kanya ng lalakeng nakakotse. Sa inis niya, walang ibang bukambibig niya kundi ang lalakeng iyon. Hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman dahil sa sobrang inis niya.

Pagdating niya sa klase, nagulat siya dahil kanina pa pala nag-start ang klase niya.

"Good morning Ms. Dela Cruz! Last time I checked your class will start at 8 in the morning, it's already 8:15. Sa tingin mo ba tatanggapin pa kita sa klase ko?" -teacher

"Eh maam diba sabi nga nila "everyone deserves a second chance" baka bigyan niyo po ako ng chance na makapasok pa sa class niyo." -Jha

"This is a Physics class at kailanman hindi naging pelikula tong klaseng ito Ms. Dela Cruz!" -Teacher

"Naintindihan ko po maam. Sorry po!" -Jha

Agad siyang umalis nang hindi siya tanggapin sa klase dahil late siya ng 15 minutes. Lalo lang siyang nainis dahil nakita niya ulit yung lalakeng nang bad trip sa kanya. Nilapitan niya ito.

"Ikaw ang may kasalanan kaya na-late ako sa klase ko. Muntik mo na nga akong masagasaan, ikaw pa tong mayabang!" -Jha

Pinaghahampas niya ng kanyang libro yung lalake. Sa gulat ng lalake, hinarap niya ito.

"Excuse me miss, nababaliw ka na ata! Hindi kita kilala, kaya kung nanlilimus ka please don't do it here in the school." -lalake (sabay tawa kasama ng mga kaibigan niya)

"Hah!? Nakaayos ako ng damit,may dala-dalang libro tapos pag-iisipan mo lang ako na isang pulubi? Ikaw na nga talaga ang mayabang!" -Jha

Napasagot naman ang isa sa mga kaibigan nung lalake.

"Dre, mukhang seryoso nga talaga tong si miss, malalim ata ang pinag-huhugutan. Ano bang ginawa mo sa kanya?" -Jha

"Wala dre, papansin lang yan!" -Jha

"Hah!? Anong papansin ang kapal talaga ng mukha mo! Kaw na tong muntik makasagasa sa akin tapos inulit mo pa hanggang sa malaglag tong mga dala kong libro!" -Jha

"Ah...yes! Ikaw pala si miss Luneta yung akala mo nasa park kung maglakad." -lalake

"Sorry ha mr. NLEX..." -Jha

Habang kinakausap ni Jha si mr. NLEX ay nakita siya ng ka-roommate niya. Agad siyang hinila nito.

"Hoy! Hoy! Hoy! Jha, halika nga dito (hinila niya si Jha papalayo sa mga boys) sorry po mga sirs." -Mina

"Bakit ka nagsosorry sa kanila eh ubod ng yabang yang mga lalakeng yan!" -Jha

Napatingin ng matalim si Mina kay Jha habang papalayo sila sa mga lalake. Napatingin naman yung lalake kay Jha. Sa pagkakataong iyon, kinausap at ipinaliwanag ni Mina kay Jha kung sino mga kausap niya.

"Kilala mo ba sila?" -Mina

"Hindi pero wala akong paki-alam kahit sino pa sila. May kasalanan nga sa akin yung isang lalake doon eh!" -Jha

"Alam kong palaban ka Jha pero lumugar ka naman! Sila lang naman ang mga anak ng mga nagmamay-ari sa unibersidad na ito!" -Mina

"Sila! Lalo na yung lalakeng iyon!?" -Jha

"Yes! Si Alvin Aquino Lacuesta!" -Mina

Napakamot si Jha nang marinig niya ang paliwanag ni Mina.

"That guy!? But how?" -Jha




Wednesday, June 24, 2015

Episode 2: College Life


5 Years Before

Toot-toot! Toot-toot!

Nagising ang mga ka-dorm ni Jha dahil sa lakas ng pag-alarm nito sa kanyang phone.

"Ano ka ba naman Jha, dinig ata hanggang Sabah yang lakas ng pag-alarm mo ng phone mo!" -Alexa

"Pwede ba naman Jha yung ikaw lang sana ang makakarinig ng pag-alarm mo, pati tuloy kami nagigising kahit hindi pa namin pasukan!" -Mina

"Wow! Nahiya naman ako senyong dalawa kung kayo ang mag-alarm, eh sa lakas nga eh hanggang Mars dinig ata." -Jha

Naputol ang usapan nila nang nagmadaling naligo si Jha. 

Habang naglalakad papunta sa school si Jha ay may nakita siyang nagbebenta ng pandesal at habang papatawid ito ay binusinahan siya ng isang sasakyan.

Beeeeeeeeeep!

Sa gulat at galit ni Jha ay hinamon niyang lumabas sa sasakyan ang muntik nang makasagasa sa kanya. 

"Hoy! Lumabas ka diyan! Porket nakakotse ka kala mo hindi kita papatulan?" -Jha (pasigaw)

Lumabas nga ang driver ng kotse. Nanlaki ang mga mata ni Jha nang makita niya ang lalakeng driver. 
Naka-shades, leather jacket at nakamaong na pants. 

"Ano sa tingin mo tong kalsada miss, Luneta?" -lalake

"Kaw na nga muntik makasagasa, kaw pa tong may ganang magalit! Eh ang bilis mong magmaneho, kala mo nasa NLEX (north luzon express way) ka!" -Jha

"Eh ano ba gusto mong mangyari? Kasalanan ko bang mabilis tong sasakyan ko!" -lalake

Sa sobrang galit ni Jha, tinalikuran na niya yung driver at nagtungo na siya sa school. Habang naglalakad papalayo ay maririnig ang mga bukambibig ni Jha.

"Ang yabang-yabang talaga nung lalakeng iyon, grabeeee! Nakakainis! Aanhin mo naman ang hitsurang iyon kung ganun kapangit naman ang ugali." -Jha

Pumasok naman ng kotse yung driver at patuloy niyang pinaharuruot ulit ang kanyang sasakyan at binusinahan ulit ng malakas si Jha.

Beeeeeeep!

Sa gulat ulit ni Jha, nalaglag ang kanyang dalang libro.

"Haaays! Nakakainis! I hate that guy! Hindi pa tayo tapos!!! Grrrrrrrrr!

Friday, June 19, 2015

Episode 1: Ala-ala


(Jha's Point of View)


Magdadalawang taon na ako dito sa Singapore at patuloy pa rin akong naghahanap ng kasagutan sa mga katanungan ko. Nakakapagod nang magtrabaho dito. Nasaan na kaya ang unang lalake sa buhay ko. Siya kasi yung nagturo sa akin kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay, makisama sa mga tao sa paligid at kung paano umibig. (Napangiti)

Naalala ko pa kasi noon, kung sa tuwing may problema ako, tinutulungan niya akong maayos ito at pagkatapos, papatawanin niya ako at dadalhin niya ako sa isang kainan. Mag-oorder ng adobo, dalawang order at puro patatas lang ang kakainin niya. (Napatawa)

Palagi kong naiisip yun habang nagtratrabaho pero minsan naman ay dumadating din yung oras na kailangan kong tanggapin na wala na pala siya sa tabi ko. (Dahang-dahang tumulo ang kanyang luha)

Ano nga pala ang nangyari dun? Bigla na lang kasi siyang nawala na parang bula. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya basta dumating na lang yung araw na hindi na siya nagpakita sa akin. Ilang beses ko siyang tinawagan, tinext, pinuntahan sa apartment niya, pero wala na siya doon. Hindi ko din lubos maisip kong totoo bang nangyayari ito sa akin o isa ba itong panaginip?

Totoo nga siguro yung sinasabi nilang "first love never dies", kasi siya yung first love ko at hindi pa siya namamatay sa isipan ko. Sa totoo lang, sa tagal ko dito sa Singapore, hindi pa ako tumatanggap ng bagong relationship kasi umaasa parin ako na bigla ka na lang darating sa harap ko at pag-uusapan natin ang mga bagay-bagay. Kung tayo pa ba? O nakikipag-break ka na? Alam kong nagpapakatanga ako, pero ganun naman ang pag-ibig diba? Handa kang magsakripisyo para sa mahal mo.

Alam kong wala na akong bukambibig kundi ikaw, kasi ikaw lang talaga ang laman ng ala-ala ko.

Biglang dumating ang kanyang roommate.

"Hoy! Nagsasalita ka nanaman bang mag-isa Jha?" - Cheryl (roommate)

"Hah!? (nagulat) Eh nag-rereherse lang naman ako Che para sa mga linyang mabibigat na napapanuod ko sa internet."- Jha

"Ah! So broadway artist ka na pala ngayon at hindi na nurse?" - Cheryl (habang naglalagay ng cream sa mukha)

"Ah! Eh! Kalimutan mo na nga yun! Ano nga pala ang duty mo?" -Jha

"PM shift ako." -Cheryl

"Ang aga mo namang nagpreprepare!" -Jha

"Dadalaw kasi si Arman dito magdadala ng foods kaya dapat kung nakita niya ako yung maganda naman ako at fresh na fresh." -Cheryl

"Eh di ikaw na! Eh di wow!" -Jha

"Palibhasa kasi ikaw hopya ka parin sa jowa mo. Panahon na kasi para burahin mo siya sa ala-ala mo at maghanap ka na ng bagong magpapasaya sa iyo!" -Cheryl

"Hoy Che, wala kaming formal break-up kaya ibig sabihin kami parin. Kaya dapat hindi muna ako maghahanap ng iba." -Jha

"Wow naman Jha, mighty bond ka ba na malakas parin ang kapit? (Napatawa) Para sabihin ko sa iyo marami paring lalake diyan na magpapasaya sa iyo at hihigitan pa nila yang jowa mo na nawalang parang bula." -Cheryl

"Hoy huwag ka namang magsalita ng ganyan...." -Jha (tumunog ang doorbell)

Biglang naputol ang usapan nila dahil dumating na si Arman na hinihintay ni Cheryl. Naiwan naman si Jha at patuloy niya paring binalikan ang kanyang masasayang ala-ala sa mahal niyang si Alvin.

...itutuloy